Hindi “Tamang Tao” Ang Sagot

Naging bahagi na ng aking kabataan ang kantang “Titibo-tibo” ni Moira Dela Torre. Sinayaw, kinanta, at paulit-ulit na pinatugtog kahit hindi ko pa lubos na maunawaan ang mensahe nito. Ngunit nang naintindihan ko na, nagkaroon naman ng panibagong interpretasyon dito ang lipunan.

E

Elijia Palma Valenzuela

Author

3 min readJune 16, 2026
Hindi “Tamang Tao” Ang Sagot

Naging bahagi na ng aking kabataan ang kantang “Titibo-tibo” ni Moira Dela Torre. Sinayaw, kinanta, at paulit-ulit na pinatugtog kahit hindi ko pa lubos na maunawaan ang mensahe nito. Ngunit nang naintindihan ko na, nagkaroon naman ng panibagong interpretasyon dito ang lipunan.

Nang magsimula ang taong 2026, lumaganap sa social media ang tinatawag na “Factory Reset” trend. Sa pausong ito, ipinakikita na ang isang bakla o lesbyana ay maaaring maging “straight” muli kapag natagpuan nila ang “tamang tao” para sa kanila. Sa unang tingin, maaaring isa lamang itong simpleng biro o nakakaaliw na trend. Ngunit sa mas malalim na pagsusuri, nagdadala ito ng mapanganib na mensahe—lalo na para sa mga kabilang sa komunidad ng LGBTQIA+.

Isa sa mga epekto ng ganitong pananaw ang pagbura sa pag-iral ng bisexuality at pansexuality. Pinapalabas nito na dalawa lamang ang maaaring kahinatnan ng isang tao. Maaaring manatiling bakla o lesbyana, o tuluyang maging straight. Dahil dito, nalilimitahan ang pag-unawa sa sekswalidad at nakakalimutan ang ibang identidad dahil sa makitid na pananaw na ito.

Higit pa rito, ipinahihiwatig ng trend na ito na ang pagiging bakla o lesbyana ay isang "phase" lamang na kinakailangang baguhin o ituwid sa oras na matagpuan ang taong para sa'yo. Sa ganitong pag--iisip, ang pagiging bahagi ng LGBTQIA+ ay isang pansamantalang yugto lamang at hindi isang ganap na identidad. Ngunit ang ating sekswalidad ay hindi isang pagkakamali na kailangang i-reset, o isang bersiyong naghihintay lamang na maitama gaya ng isang teleponong may sira.

Ayon sa isang pag-aaral ng American Psychological Association (APA) noong 2008, ang pagiging heterosekswal at homosekswal ay parehong normal na aspeto ng sekswalidad ng tao. Dito pa lamang ay makikita na natin na walang kinalaman ang pagtagpo sa “tamang tao” para maging straight muli.

Hindi naman sinasabi rito na masama ang pagiging straight muli kung dati ay isa ka mang bading o lesbyana. Kung ang identidad mo dati ay hindi na angkop sa kung sino ka sa kasalukuyan, hindi rin ‘yan kabawasan sa pagiging tao mo. Nagiging masama lamang ito kung hindi natin kikilalanin ang lumang bersyon ng ating sarili na nagbigay-daan upang mahanap natin ang tunay nating identidad.

Ang sekswalidad para sa ibang tao ay maaaring maging “fluid” o nagbabago sa pagtagal ng panahon. Gayunpaman, hindi dapat tayo limitahan sa pagiging bakla, lesbyana, o straight lamang, at mas lalong hindi nadidiktahan ang ating oryentasyon base sa ating kinakasama. Hindi “tamang tao” ang magdidikta sa iyong sekswalidad—ikaw lamang ang makakapagsabi nito.

Kailangan na nating bitawan ang baluktot na pananaw tungkol sa komunidad ng bahaghari. Bagkus, maging marespeto at manatiling bukas ang isipan sa pag-unawa sa kanila. Sapagkat ang pagbura sa kanilang pag-iral sa lipunan ay pagbura at pagbabasura sa kanilang pagkakakilanlan—isang bagay na lahat ng tao ay may karapatang ipahayag at angkinin.

E

Written by Elijia Palma Valenzuela

Elijia Palma Valenzuela is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Opinion

MMa. Samantha Althea Monique T. Velasco

We Are Never Half Enough

The most painful words are not always the loudest. Sometimes, they are the ones that quietly make people question their own worth. That is why the recent "halfie" controversy struck a nerve. It was never just about pageants—it reopened an old wound Filipinos have carried for generations: the fear that being fully Filipino is somehow not enough.

19 hours ago 3 min read
AAGOS

A Bleak Rainbow

Every June, the world pays tribute to the struggle of the LGBTQIA+ community in upholding their rights and dignity. In the Philippines, this means a month-long celebration full of colours and proclamations, with companies, politicians, and media personalities joining in. Yet, behind this kaleidoscopic facade is a harsh reality that continues to confront the community. 

3 days ago 3 min read
PPearl Francene Aldovino

Mga Numerong Nagdidikta ng Halaga

Hindi ko kailanman naisip na darating sa puntong ang halaga ng isang mag-aaral ay ‎halos nakatali na sa mga numerong nakatala sa kard. Kapag mataas ang marka, mahusay ang bata. Kapag nakatanggap ng akademikong pagkilala, ito ay kahanga-hanga. Ngunit kapag hindi umabot sa itinakdang pamantayan, madalas ay tila nababawasan ang pagkilala sa kanilang kakayahan. Dahil dito, hindi ko maiwasang maitanong: pagkatuto pa ba ang pinapahalagahan o mga numero na lamang? 

4 days ago 3 min read
Explore all Opinion articles