Kuya, ba’t may makeup ka?

Masaya ako! Dahil tinanong ako ng aking guro, “sino favorite mong superhero, Hazel?” Syempre si Kuya Marky! Kasi binibili niya yung mga gusto kong laruan! Kasi malakas si kuya! At higit sa lahat, Favorite ako ni kuya! Sabi niya sa akin ang trabaho niya ay maghintay ng mga masasamang tao tuwing gabi at nilalabanan niya sila, may powers kasi siya! Hinangaan ng mga kaklase ko si kuya, “ano ang powers ng kuya mo Hazel?” sabi ng isa kong kaklase. Secret daw yun eh, baka malaman nila ang kahinaan ni kuya Marky. 

Nesjen Gabriel Villalon

Author

4 min readJune 4, 2026
Kuya, ba’t may makeup ka?

Masaya ako! Dahil tinanong ako ng aking guro, “sino favorite mong superhero, Hazel?” Syempre si Kuya Marky! Kasi binibili niya yung mga gusto kong laruan! Kasi malakas si kuya! At higit sa lahat, Favorite ako ni kuya! Sabi niya sa akin ang trabaho niya ay maghintay ng mga masasamang tao tuwing gabi at nilalabanan niya sila, may powers kasi siya! Hinangaan ng mga kaklase ko si kuya, “ano ang powers ng kuya mo Hazel?” sabi ng isa kong kaklase. Secret daw yun eh, baka malaman nila ang kahinaan ni kuya Marky. 

“Hazel halika na, uuwi na tayo.” Andito na kuya ko, kita tayo bukas ha!


“Kumusta ang araw mo, Hazel?” sabi ng kuya ko, ang saya-saya ko po! Dahil sinabi ko sa mga kaklase ko na nilalabanan mo ang mga masasamang tao tuwing gabi. “Ganon ba? HAHAHAHA napakadaldal mo talaga Zel, oh siya kakain muna tayo sa paborito mong palabokan,” sabik na sabik ako dahil peyborit ko ang palabok—lalo na yung may kalamansi at chicharon! YUM!

Habang nag-o-order si kuya, naghihintay ako sa mesa namin. Nang biglang nahulog ang kanyang bag, agad ko itong binalik ngunit may nakita akong gamit sa bag niya. Lipstick? Bakit may lipstick si kuya? Tahimik ko itong ibinalik at hinintay siya.

“Kuya…” sabi ko habang kumakain kami, “ba’t may makeup ka?

Napatingin siya sa akin, tapos ngumiti. “Ah, yun ba? Pang-disguise lang yun, Hazel. Para hindi ako makilala ng mga masasamang tao kapag gabi na.”

“Ahhh,” tumango ako. “Parang superhero talaga!”


“Oo naman,” sabi niya habang ginugulo ang buhok ko. “Secret lang natin ‘yan ha.”

Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami. Medyo inaantok na ako habang naglalakad, pero hawak ko pa rin ang kamay ni Kuya Marky.

“Kuya, aantukin na ako,” sabi ko habang hinihila ko ang manggas niya.


“Oo na, Zel. Pag-uwi natin, ihahanda na kita,” sagot niya.

Pagdating sa bahay, tinulungan niya akong magpalit ng damit at maghugas. Siya pa ang nag-ayos ng higaan ko at nagkumot sa akin. “Higa ka na, Hazel,” sabi niya habang pinapatay ang ilaw, tanging maliit na ilaw na lang ang naiwan.

“Kuya… papasok ka na sa work mo?” tanong ko habang nakahiga.


“Oo,” sagot niya, “may mga kailangan pa akong bantayan mamaya.”

“Mag-iingat ka ha,” sabi ko habang inaantok na ang boses ko.


“Lagi naman,” sagot niya sabay ngiti.

Habang papikit na ako, nakita ko siyang nakatayo sa salamin, parang may inaayos sa mukha niya. Hindi ko na masyadong makita, pero parang may kinuha siya mula sa bag niya. Siguro yun na yung pang-disguise niya laban sa masasamang tao.

Habang mahimbing na ang tulog ko, tahimik na isinara ni Kuya Marky ang pinto. Kinuha niya ang bag niya at humarap sa salamin. Maingat niyang inilabas ang lipstick at dahan-dahang nag-ayos, parang nagsusuot ng maskarang pangtago sa tunay na kanyang pagkakakilanlan. Iba na ang itsura niya—Parang hindi na siya yung kuya ko sa umaga, kundi isang taong kailangang maging matapang sa ibang paraan sa gabi. Saglit siyang napatingin sa kama ko. “Para sa’yo ‘to, Zel,” mahina niyang sabi.

Pero nagising ako. Hindi ko alam kung bakit, pero bumangon ako at sumilip sa bintana. Nakita ko si Kuya Marky sa labas. May kausap siyang lalaki. Narinig kong sinabi ng lalaki, “sampung libo, isang gabi,” nakita ko kung paano siya hinawakan nang mahigpit. Parang hindi tama. Parang nasasaktan siya. “Kuya…” mahina kong tawag, kahit hindi niya ako marinig.

Maya-maya, nakita kong umiwas siya, pero parang wala siyang choice. Niyakap niya ang sarili niya saglit, tapos ngumiti kahit parang pilit. Doon ko naramdaman na hindi ito yung laban na kinukwento niya sa akin.

Kinabukasan, tahimik ako. “Hazel, okay ka lang?” tanong niya habang inaayos ang buhok ko. “Kuya…” sabi ko, “hindi ka ba talaga lumalaban sa masasamang tao sa gabi?” “kuya….” Halos pabulong ko nang idinugtong, “bakla ka po ba?” nanginginig kong tinanong habang unti-unting napagtagpi ang nakabitak na katotohanan. Napatigil siya at hindi agad nakasagot. “Tama ka naman,” mahina niyang sabi. “May mga laban lang na hindi mo kailangang makita.”

“Tapos nasasaktan ka?” tanong ko. Ngumiti siya, pero iba na. “Minsan. Pero kaya ko.” Lumapit ako at niyakap ko siya. “Kuya… pwede bang tulungan kitang harapin ’yon? Malakas naman ako.” Napatawa siya ng mahina, pero nararamdaman ko na yumakap din siya nang mahigpit. “Ikaw na nga ang lakas ko, Zel.”

Hindi ko pa rin maintindihan ang lahat. Pero alam ko na ang totoo. Hindi pala lahat ng superhero nananalo sa suntukan. Yung iba, lumalaban kahit nasasaktan. At kahit anong kasarian ang meron si kuya, mahal na mahal ko si kuya at palagi ko siyang kakampihan.

Written by Nesjen Gabriel Villalon

Nesjen Gabriel Villalon is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Literary

LLyka Rose Tonga

Fragments of dreams I once had

When I was a child, the future was a closet full of costumes. I'd be anything I'm interested in. I wore dreams the way girls wear colorful princess clothing—carelessly, joyfully, without fear that one day they might not fit.  Every month, I became someone new. One moment I was a nurse bandaging invisible wounds on my stuffed toys as if I could stitch brokenness itself. The next, I was an astronaut picturing that I was jumping around the moon, playing with gravity.

1 hour ago 6 min read
JJustin Peralta

ANG PANGARAP KONG ABROAD

Ang paliparan ang nagsisilbing unang istasyon sa pagkamit ng pangarap sa dayuhang bansa. Dito makasasaksi ng mga mahihigpit na yakap at luhang bunga ng nagbabadyang pangungulila. Mga kaway ng pamamaalam at mga sambitlang parehong may bahid ng tuwa at lungkot – magkasalungat na damdaming pinag-isa ng pagkakataong iyon.

1 hour ago 2 min read
JJoevannel Beltran

Walang Asal na Dasal

Sa ngalan ng Ama, Anak, at ng Espiritu Santo: ‎Ubos na ang iniingatang pananampalataya ‎’Di dahil walang awa sa kaharian ng Ama At tanglaw sa gabay ng Espiritu Santo O ang pagpapala ng hinirang na Anak…

5 hours ago 2 min read
Explore all Literary articles
    Kuya, ba’t may makeup ka? | Agos