MANILA, Philippines — Pinaghahandaan ng Malacañang Palace at House of Representatives ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27, 2026, na nais umano niyang gawing simple ngunit marangal.
Ayon kay House Secretary-General Cheloy Garafill, pananatiliing simple at hindi magiging magarbo ang SONA ng Pangulo ngayong taon.
“There will be no red carpet, no long gowns," saad ni Garafill.
(Walang red carpet, walang mahahabang gowns.)
Hinikayat din niya ang mga dadalo sa SONA na iwasan ang magagarbong pananamit. Isang simpleng Barong at Filipiniana aniya ay ayos na.
Pinangunahan naman ni Senate Secretary Renato “Ray” Bantug Jr. ang pakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagdaraos ng SONA 2026.
Samantala, gaganapin pa rin sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City ang SONA ngayong taon, kung saan tradisyonal na idinaraos ang taunang SONA ng Pangulo.
Written by Vjey Fabros
Vjey Fabros is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.



