Hindi Dapat Krimen ang Pagiging Bading

Sa kabila ng mga umiiral na batas sa Pilipinas, patuloy na nakararanas ng diskriminasyon, pang-aabuso, at karahasan ang mga miyembro ng LGBTQ+ community dahil sa kanilang sexual orientation, gender identity, at expression (SOGIE). Walang malinaw at komprehensibong batas na nagbibigay-proteksyon sa kanila laban sa diskriminasyon sa paaralan, trabaho, serbisyo publiko, at maging sa loob ng sariling tahanan.

A

AGOS

Author

2 min readJune 1, 2026
Hindi Dapat Krimen ang Pagiging Bading

Sa kabila ng mga umiiral na batas sa Pilipinas, patuloy na nakararanas ng diskriminasyon, pang-aabuso, at karahasan ang mga miyembro ng LGBTQ+ community dahil sa kanilang sexual orientation, gender identity, at expression (SOGIE). Walang malinaw at komprehensibong batas na nagbibigay-proteksyon sa kanila laban sa diskriminasyon sa paaralan, trabaho, serbisyo publiko, at maging sa loob ng sariling tahanan.

Kaya lumilitaw ang problema: hanggang ngayon, hindi kinikilala ng batas ng Pilipinas ang partikular na karahasan at hindi pantay na pagtratong dinaranas ng sangkabaklaan dahil lamang sa kung sino sila at kung paano nila ipahayag ang kanilang sarili. Ang kawalan ng SOGIE Bill ay nangangahulugang kawalan ng hustisya, akawntabilidad, at proteksyon para sa isang sektor na matagal nang naisasantabi.

‎Bakit nga ba dapat isabatas ang SOGIE Bill?

‎Kinikilala nito ang realidad ng karahasan.

‎Araw-araw, may isang bakla na sinasaktan, pinapahiya, at nakatatanggap ng karahasan dahil lang sa kung paano sila kumilos, ngunit walang batas na nagsasaad na mali ito. Ang katahimikan ng batas ay nagiging mistulang pahintulot sa mga nang-aabuso

‎Proteksyon ito, at hindi pribilehiyo/

‎Binibigyan ng batas na ito ang LGBTQ+ community ng karapatang mag-aral, mag-trabaho, at makakuha ng serbisyo nang hindi hinuhusgahan batay sa kung sino ang kanilang napupusuan o kung paano sila magdala ng kasuotan. 

‎‎Ayon sa Commission on Human Rights (CHR), may 163 na dokumentadong kaso ng pagpatay sa mga LGBTQ+ indibidwal mula 1996 hanggang 2022 na may kinalaman sa kanilang SOGIE. Patunay na hanggang sa kasalukuyan, may pagbabanta pa rin sa kanilang buhay.

‎‎May iilan ding nagsasabi na wala nang silbi kung ipapasa ang SOGIE Bill sapagkat sakop na raw ito ng konstitusyon ng Safe Spaces Act. Ngunit sa reyalidad, walang umiiral na batas ang tahasang nagpapanagot sa mga taong itinuturing na “biro" lamang ang pangungutya at pagtanggi sa karapatan ng mga bakla. 

‎Ang SOGIE Bill ay hindi usapin ng relihiyon laban sa karapatan, o ng tradisyon laban sa pagbabago—ito ay usapin ng buhay laban sa karahasan. Ilang dekada nang naghihintay ang LGBTQ+ community para sa isang batas na kikilala na ang sakit na dinanas nila ay totoo; na may dapat managot sa bawat pang-aabusong nakabase sa SOGIE; att na ang dignidad ay hindi pribilehiyong iginagawad lamang sa iilan. Ang batas na hindi kumikilala sa sakit ng tao ay batas na bulag sa hustisya at ang lipunang tunay na makatao ay hindi pumipili kung sino ang poprotektahan.

A

Written by AGOS

AGOS is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Opinion

AAkiyah San Jose

Filipino Hospitality Is Built on Mutual Dishonesty

"Kain po." This is most likely the first lesson in Filipino hospitality. We get to hear this from our parents, our grandparents, and even from people we just met. This rings like a pleasant, welcoming, and undeniably Filipino phrase. But somewhere between saying this phrase and actually meaning it, something must have happened.

2 months ago• 3 min read
PPearl Francene Aldovino

Tulay sa Konsumisyon

Kamakailan lamang, bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika ngayong Agosto, inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang tema para sa pagdiriwang sa taong ito: "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

2 months ago• 2 min read
AArianna D. Tupas

AI: Depende Sa’yo

Sa panahon ngayon, isang pindot lamang ang namamagitan sa tao at sa mundo ng teknolohiya. Kung ating titingnan, tila binuwag na ng teknolohiya ang imposibilidad. Ngunit sa likod nang mabilis at walang humpay na pag-ikot ng mga makina, may mga bagay na unti-unting nababaon sa limot: ang mga pisikal na patunay ng pagiging malikhain ng tao.

2 months ago• 3 min read
Explore all Opinion articles