Isang Daang Piso, Isang Daang Problema

Hanggang saan aabot ang isang daang piso mo? Isang tanong na dapat sana’y madaling sagutin—ngunit sa kasalukuyan, tila ba ang sagot ay may kasamang pighati para sa bawat pamilyang Pilipino. Kamakailan lamang, inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang dating halaga ng ₱100 noong 2018 ay katumbas na lamang ngayon ng humigit-kumulang ₱73. Ibig sabihin, nabawasan ito ng ₱27 sa tunay nitong halaga. Isang masakit na katotohanan: imbes na tumaas ang halaga ng pera, ito’y unti-unting nawawalan ng saysay sa araw-araw na pamumuhay. Isang tanong na dapat sana’y madaling sagutin—ngunit sa kasalukuyan, tila ba ang sagot ay may kasamang pighati para sa bawat pamilyang Pilipino. Kamakailan lamang, inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang dating halaga ng ₱100 noong 2018 ay katumbas na lamang ngayon ng humigit-kumulang ₱73. Ibig sabihin, nabawasan ito ng ₱27 sa tunay nitong halaga. Isang masakit na katotohanan: imbes na tumaas ang halaga ng pera, ito’y unti-unting nawawalan ng saysay sa araw-araw na pamumuhay.

Ma. Samantha Althea Monique T. Velasco

Author

3 min readMay 7, 2026
Isang Daang Piso, Isang Daang Problema

Hanggang saan aabot ang isang daang piso mo?

Isang tanong na dapat sana’y madaling sagutin—ngunit sa kasalukuyan, tila ba ang sagot ay may kasamang pighati para sa bawat pamilyang Pilipino. Kamakailan lamang, inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang dating halaga ng ₱100 noong 2018 ay katumbas na lamang ngayon ng humigit-kumulang ₱73. Ibig sabihin, nabawasan ito ng ₱27 sa tunay nitong halaga. Isang masakit na katotohanan: imbes na tumaas ang halaga ng pera, ito’y unti-unting nawawalan ng saysay sa araw-araw na pamumuhay.

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin—bigas, langis, pamasahe, at kuryente—ang dating sapat ay nagiging kulang, at ang kulang ay halos imposible nang punan nang walang kapalit na sakripisyo. Ang ₱100 na dati’y kayang makapaghanda ng simpleng hapunan para sa isang pamilya ay ngayo’y halos hindi na makabuo ng isang kumpletong pagkain. Sa ganitong kalagayan, bawat sentimo ay mahalaga—ngunit tila mas mabilis itong nauubos kaysa sa kayang kitain.

Hindi na luho ang simpleng pamumuhay—ngayon, isa na itong hamon para sa maraming Pilipino.

Ang ugat ng problemang ito ay ang patuloy na pagtaas ng implasyon, na umabot sa 7.2% noong Abril. Ngunit higit pa sa mga numero, ang tunay na epekto nito ay nararamdaman sa hapag-kainan, sa pamasahe pauwi, at sa bawat desisyong kailangang pagpilian ng mga pamilyang Pilipino kung alin ang uunahin—pagkain ba o bayarin?

Ayon sa World Bank, malaking bahagi ng kita ng mga pamilyang Pilipino—lalo na ng mahihirap na sektor—ang napupunta lamang sa pagkain. Ibig sabihin, bawat sentimong pagtaas sa presyo ng pagkain ay direktang tumatama sa sikmura ng mamamayan. Kapag mahal ang bigas, hindi lamang bulsa ang naaapektuhan—pati na rin ang kalusugan at kinabukasan.

Samantala, nananatiling mabagal ang pagtaas ng sahod. Ang minimum wage sa maraming rehiyon ay hindi pa rin sapat upang tugunan ang patuloy na pagtaas ng gastusin. Ayon sa datos ng National Economic and Development Authority, kinakailangan ng mas mataas na arawang kita upang matugunan ang batayang pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino—isang antas na hindi naaabot ng karamihan sa mga manggagawa.

Dagdag pa rito, ang kakulangan ng sapat na tugon mula sa mga kinauukulan ay lalo pang nagpapabigat sa sitwasyon. Ang mga panandaliang solusyon ay hindi sapat upang tugunan ang pangmatagalang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo. Kinakailangan ang konkretong hakbang—pagpapalakas ng lokal na produksyon, maayos na regulasyon ng presyo, at higit sa lahat, makatarungang pasahod na tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.

Sa huli, ang tanong na “Hanggang saan aabot ang isang daang piso?” ay hindi lamang tungkol sa halaga ng pera—ito rin ay tanong tungkol sa estado ng ating ekonomiya at bansang patuloy na ginigipit ang mga Pilipino sa kanilang mga bulsa. Sapagkat kung ang halaga ng pera ay patuloy na bumababa, kasabay rin nitong bumababa ang kakayahan ng mamamayan na mamuhay nang may dignidad, malaya sa gutom at kahirapan.

Dahil sa sistemang patuloy na nagpapaliit sa halaga ng ating kinikita, hindi na sapat ang magtipid—ang kailangan ay pagbabago.

Written by Ma. Samantha Althea Monique T. Velasco

Ma. Samantha Althea Monique T. Velasco is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Opinion

AAGOS

Kaunlarang Kapalit ng Soberanya

“Ayos ‘to, ah!” Iyan marahil ang unang naging reaksyon ng karamihan nang lumabas ang balita tungkol sa Pax Silica. Sa unang tingin, tila isa itong malaking oportunidad upang mapaunlad ang ekonomiya at paggawa ng trabaho. Ngunit hindi lahat ng proyektong ipinangako ng magdadala ng kaunlaran ay tunay na nagsisilbi sa interes ng bayan. Kung ang pag-unlad ay nakasalalay sa pagsasakripisyo ng ating likas na yaman, soberanya, at kabuhayan, maituturing ba itong tunay na kaunlaran?

6 days ago 3 min read
SSamantha T. Velasco

Safer, According to Whom?

There's something fascinating about numbers—they never argue. They never interrupt. They just simply appear with percentages, official statements, yet its enough certainty to make reality question itself. Recently, the Philippine National Police (PNP) announced that the country has become safer, citing a 20.6% decline in eight focus crimes, with the expansion of the Safer Cities Initiative, and increased police visibility. On paper, it's an encouraging story. Fewer crimes. More patrols. Better security.

8 days ago 3 min read
AAGOS

Sobra sa Pondo, Kapos sa Serbisyo

Sa kabila ng bilyon-bilyong pisong inilaan para sa serbisyong pangkalusugan sa bansa, nararapat lamang na magkaroon ang bawat Pilipino ng serbisyong pangkalusugan na abot-kaya, may kalidad, at para sa lahat. Ngunit sa kabila ng malaking pondong inilabas ng pamahalaan, nahaharap pa rin sa malaking problema ang nabubulok nating sistema ng kalusugan sa ating bansa.

8 days ago 6 min read
Explore all Opinion articles