Sugatan sa Tahanang dapat sana’y Kanlungan

Sa tahanan na itinuturing na espasyo kung saan natututong mangarap ang isang tao, hinuhubog ang tiwala sa sarili, at unang nararamdaman ang pagmamahal at pagtanggap—ito ang sandigan ng bawat miyembro ng pamilyang nangangailangan ng sapat na atensyon at pagkilala. Ngunit paano kung ang mga salitang dapat nagbibigay-lakas ay nagiging dahilan ng pagdududa sa sariling kakayahan?

A

AGOS

Author

3 min readMay 27, 2026
Sugatan sa Tahanang dapat sana’y Kanlungan

Sa tahanan na itinuturing na espasyo kung saan natututong mangarap ang isang tao, hinuhubog ang tiwala sa sarili, at unang nararamdaman ang pagmamahal at pagtanggap—ito ang sandigan ng bawat miyembro ng pamilyang nangangailangan ng sapat na atensyon at pagkilala. Ngunit paano kung ang mga salitang dapat nagbibigay-lakas ay nagiging dahilan ng pagdududa sa sariling kakayahan?

 Hindi maikakaila na patuloy na tumitindi ang krisis sa mental health, partikular sa mga kabataan ngayon. Ayon sa isang pag-aaral ng Cambridge University Press noong 2025, patuloy na tumataas ang kaso ng depressive symptoms sa mga Pilipinong may edad 15 hanggang 24. Ipinunto rin ng pag-aaral na ang depresyon sa kabataan ay may malalim na epekto hindi lamang sa kasalukuyan kundi maging sa kanilang kinabukasan.

Samantala, ipinakita rin sa isang sistematikong pag-aaral tungkol sa anxiety ng mga estudyante sa Pilipinas na umaabot sa 82.89% ang naitalang kaso ng anxiety sa ilang grupo ng mga mag-aaral—mas mataas kumpara sa pangkalahatang populasyon. Kabilang sa mga pangunahing dahilan nito ang problemang pampamilya, kakulangan ng suporta, pressure sa pag-aaral, at matinding expectations. 

Mas nakababahala pa rito ang datos mula sa Department of Education para sa School Year 2021–2022: 404 na estudyante ang nagpakamatay at mahigit 2,100 naman ang nagtangkang magpakamatay.

Hindi ito mga simpleng estadistika. Bawat bilang ay may kanya-kanyang kuwentong kumakatawan sa kabataang maaaring matagal ng sugatan sa tahanang dapat sana’y kanlungan.

Hindi lahat ng laban ay nakikita. May mga kabataang tahimik na umiiyak gabi-gabi habang pilit na inaabot ang pamantayang hindi nila kayang pantayan. Habang ang iba ay nakangiti sa harap ng pamilya, unti-unti naman silang nilalamon ng takot na mabigo at mawalan ng halaga. Sa halip na tahanan ang maging pahingahan, nagiging lugar ito ng pangamba at matinding presyon.

Mahalagang maunawaan na hindi nasusukat ang halaga ng isang anak sa medalya o anumang parangal na pinaghihirapan nilang makuha. Ang kabataan ay hindi mga makinang kailangang laging magtagumpay o makamit ang tugatog. Sila ay mga taong napapagod, nasasaktan, at nangangailangan din ng pag-unawa. Ang gabay ng magulang ay mahalaga, ngunit kailangang samahan ito ng pagkalinga at pagpapahalaga, hindi ng pagmamaliit at sobrang paghihigpit.

Sa mundong puno ng hamon at kompetisyon, ang tahanan sana ang ligtas na kanlungan. Isang lugar kung saan maaaring magkamali nang hindi hinuhusgahan at mangarap nang hindi natatakot. Sapagkat ang mga salitang nagmumula sa pamilya ay may kapangyarihang bumuo o tuluyang sumira sa pagkatao ng isang kabataan.

Ang tahanan ay hindi dapat maging lugar ng sugat. Ito dapat ang unang tahanan ng pag-asa.

A

Written by AGOS

AGOS is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

More in Opinion

PPearl Francene Aldovino

Mga Numerong Nagdidikta ng Halaga

Hindi ko kailanman naisip na darating sa puntong ang halaga ng isang mag-aaral ay ‎halos nakatali na sa mga numerong nakatala sa kard. Kapag mataas ang marka, mahusay ang bata. Kapag nakatanggap ng akademikong pagkilala, ito ay kahanga-hanga. Ngunit kapag hindi umabot sa itinakdang pamantayan, madalas ay tila nababawasan ang pagkilala sa kanilang kakayahan. Dahil dito, hindi ko maiwasang maitanong: pagkatuto pa ba ang pinapahalagahan o mga numero na lamang? 

6 hours ago 3 min read
YYzabelle Dueñas

Madayang Pagkilala sa Pagkalaya

Sa papel ng kasaysayan, malinaw ang petsa: June 12, 1898—isang bansa na nagdeklara ng kanilang kasarinlan, isang watawat ang itinaas, at isang pangakong matagal nang hinintay na masilang. Higit isang siglo na ang lumipas, ngunit hindi kayang takpan ng mga selebrasyon tuwing Araw ng Kalayaan: tunay bang malaya ang isang bayan kung ang kalayaan ay hindi pantay sa nararanasan? Ang kalayaan ay kadalasang ipinapakita bilang isang tapusan na kwento—parang pinto na binuksan at hindi na muling sinarhan. Pero sa araw-araw na karanasan ng maraming Pilipino, ang pintong iyon ay nananatiling bahagyang nakasara—may espasyo para sa pagtingin, ngunit hindi gaano pa kasapat para makapasok.

1 day ago 5 min read
KKrister Tanwangco

Surnames Above the Law

We all get déjà vu after hearing the same surnames in local, provincial, legislative, and national offices. Political dynasties, as we call them, have been a defining feature of our governance for quite some time now—where the same surnames get elected for different posts. Although the Constitution discourages these dynasties, no law has effectively regulated them—none until now.

2 days ago 3 min read
Explore all Opinion articles