₱10M housing loan, inilunsad ng Pag-IBIG

Itinaas ng Pag-IBIG Fund sa P10 milyon ang maximum housing loan para sa mga miyembro nito epektibo sa anunsyong ginawa ng mga opisyal noong Martes, Mayo 26, 2026. Layunin nito na palawakin ang akses sa abot-kayang pabahay at bawasan ang bilang ng bakanteng condominium units sa Metro Manila at iba pang urban areas sa bansa.

P

Paolo M. Baya-on

Author

2 min readMay 30, 2026
₱10M housing loan, inilunsad ng Pag-IBIG

Itinaas ng Pag-IBIG Fund sa P10 milyon ang maximum housing loan para sa mga miyembro nito epektibo sa anunsyong ginawa ng mga opisyal noong Martes, Mayo 26, 2026. Layunin nito na palawakin ang akses sa abot-kayang pabahay at bawasan ang bilang ng bakanteng condominium units sa Metro Manila at iba pang urban areas sa bansa.

Ayon sa Pag-IBIG, susuportahan ng bagong loan ceiling ang Expanded 4PH Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bukas na rin ito sa mas maraming middle-income at higher-earning workers na gustong bumili ng sariling bahay.

“Makakatulong ito para makakuha ang mas maraming manggagawang Pilipino ng bahay malapit sa trabaho, paaralan, at kabuhayan,” ani Department of Human Settlements and Urban Development at chairman din ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, Secretary Jose Ramon P. Aliling.

Dagdag pa niya, makatutulong ito sa pagbili ng mga ready-for-occupancy condo units sa Metro Manila, kung saan mataas ang oversupply.

“This is also our call to developers: let us make the numbers meet,” ani Aliling.

Hinimok din niya ang mga property developer na mag-alok ng mas makatwirang presyo at payment packages upang mas maging abot-kaya ang mga pabahay para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund.

Gayunman, nilinaw ng ahensya na ang mas mataas na loan ceiling ay sasailalim pa rin sa credit evaluation, capacity-to-pay assessment, appraisal ng collateral, at iba pang umiiral na housing loan guidelines upang matiyak ang responsableng pagpapautang sa mga miyembro.

P

Written by Paolo M. Baya-on

Paolo M. Baya-on is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

Jan Gabrielle Visda

SB19’s Justin teases new era with upcoming single ‘Dahon’

Justin De Dios, a member of P-pop boy group SB19, is set to make his solo music comeback with the release of his new single, “Dahon,” on June 19.

1 day ago 1 min read
JJan Gabrielle Visda

Ebola response strained in eastern DRC as protective gear runs short

Health facilities in eastern Democratic Republic of the Congo (DRC) are facing severe shortages of protective equipment as a major Ebola outbreak continues to spread.

1 day ago 2 min read
NNicca Jade Devela

PBBM inspects newly built SFHS buildings

On Wednesday, President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. inspected the two new San Francisco High School (SFHS) buildings after one of them caught fire a day before the 2026 class opening on Monday, June 8.

2 days ago 1 min read
Explore all News articles