Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

P

Paolo M. Baya-on

Author

2 min readAugust 10, 2026
Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

Inihain noong Martes, Hulyo 14, 2026, sa New York ang demanda ng Hachette Book Group, Cengage Learning, Elsevier, may-akdang si Scott Turow, at ng kaniyang publishing company na S.C.R.I.B.E. 

Hiniling ng grupo sa korte na kilalanin ito bilang isang class action lawsuit, maglabas ng injunction laban sa umano'y paggamit ng kanilang mga akda, at pagbayarin ang Google ng hindi pa tinutukoy na halaga bilang danyos.

Ayon sa reklamo, lihim umanong kinopya ng Google ang milyun-milyong akdang ibinigay sa Google Books at iba pang serbisyo para lamang sa limitadong layunin. 

Sa halip, iginiit ng mga nagsasakdal na ginamit umano ang mga ito upang sanayin ang Gemini, na ngayo'y nakalilikha ng nilalamang direktang nakikipagkumpitensya sa mga orihinal na may-akda.

Binanggit din sa demanda na kaya umanong gayahin ng Gemini ang istilo ng pagsulat at malikhaing pagpili ng mga partikular na awtor, na anila'y lalo pang nagpapalalim sa isyu ng paglabag sa copyright.

Kasunod ito ng serye ng mga kasong isinampa laban sa mga kompanyang gumagawa ng AI dahil sa umano'y hindi awtorisadong paggamit ng mga materyal na may copyright. 

Noong Mayo, nagsampa rin ng hiwalay na kaso laban sa Meta ang ilan sa parehong mga publisher at si Turow dahil sa katulad na alegasyon.

P

Written by Paolo M. Baya-on

Paolo M. Baya-on is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

20 hours ago 1 min read
JJohn Andrei Domingo

OVP: VP Duterte Addresses Key issues during a visit to The Hague

On July 27, 2026, after the visit of Vice President Sara Z. Duterte to her father, Former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), in The Hague, Netherlands, addressed certain issues raised during a post-visit interview by bystanders. She assured the public that the former president is in good condition and stated that she keeps him updated on the state of politics in the Philippines.

2 days ago 2 min read
EErika Jane Dingding

UPCAT 2027, Dinagsa ng Mahigit 153,000 Aplikante sa Buong Pilipinas

Mahigit 153,000 na mga mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang kasalukuyang kumukuha ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) 2027, na isinasagawa ngayong Agosto 1 at 2 sa 118 testing centers sa buong bansa, bilang paghahanda sa pagpasok sa Academic Year 2027–2028.

3 days ago 2 min read
Explore all News articles