18 ‘ex-Marines’ bagmen, pinangalanan ang mga tumanggap ng male-maletang pera

Pinangalanan ng 18 “ex-Marines” bagmen sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes ang ilang mga mambabatas at public figures na umano’y nakatanggap ng male-maletang perang kaugnay sa umano’y anomalya sa mga flood control projects na kinasasangkutan ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co.

I

Isaiah Adorza

Author

2 min readJune 5, 2026
18 ‘ex-Marines’ bagmen, pinangalanan ang mga tumanggap ng male-maletang pera

Pinangalanan ng 18 “ex-Marines” bagmen sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes ang ilang mga mambabatas at public figures na umano’y nakatanggap ng male-maletang perang kaugnay sa umano’y anomalya sa mga flood control projects na kinasasangkutan ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co.

Batay sa kanilang testimonya, kabilang sa mga pinangalanan sina Senador Vicente “Tito” Sotto III, Senador Erwin Tulfo, Rep. Leila de Lima, at dating Rep. France Castro.

Kasama rin sa listahan sina Rep. Sandro Marcos, Terry Ridon, Gerville Luistro, Benny Abante, Zia Adiong, Jose Alvarez, Joel Chua, Janette Garin; dating Rep. Raoul Manuel, Stella Quimbo, Arlene Brosas, Ace Barbers, Dan Fernandez; at Father Flavie Villanueva.

Ayon sa 18, nagsilbi silang security personnel ni Co, at naghatid ng mga perang umano’y nagmula sa kaban ng bayan.

Pahayag pa ng isa, tatlong beses sa isang linggo ang ginagawang paghatid sa mga opisyal ng hindi bababa sa 20 na maletang naglalaman ng pera.

Dagdag ng isang testigo, ang halaga ng pera sa loob ng maleta ay nag-iiba depende sa kanilang laki. May 25 milyong piso umano ang laman ng small, 50 milyong piso naman kapag medium, at 50 hanggang 70 milyong piso kapag ito ay large.

Ayon sa mga bagmen, nagsimula ang operasyon noong 2022 hanggang 2025.

Sa gitna ng mabibigat na alegasyong inilatag sa pagdinig, wala pang inilalabas na pormal na ebidensya ang komite na magpapatunay sa mga pahayag ng mga testigo. Inaasahan namang magpapatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee upang busisiin pa ang mga pahayag at matukoy ang posibleng pananagutan ng mga sangkot.


I

Written by Isaiah Adorza

Isaiah Adorza is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

MMelrose Kyrene Aquino

Pujalte out as health chief after 28 days; Mercado takes over

Health Secretary Jose Brittanio “Brix” Pujalte Jr. resigned Monday after only 28 days in office, with Malacañang citing health reasons amid complaints over a P3.225-billion tuberculosis drug procurement and allegations of casino gambling.

2 months ago• 1 min read
PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

2 months ago• 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

2 months ago• 2 min read
Explore all News articles