Bagong direksiyon sa Senado: malawakang komite reshuffle sa ilalim ng bagong liderato

MANILA, Philippines — Muling yumanig ang loob ng Senado matapos ang malawakang reorganisasyon ng mga pangunahing komite kasunod ng pag-upo ni Senate President Alan Peter Cayetano. Ang hakbang na ito ay agad na nagbago sa umiiral na balanse ng kapangyarihan sa mataas na kapulungan.

J

Jan Gabrielle Visda

Author

3 min readMay 21, 2026
Bagong direksiyon sa Senado: malawakang komite reshuffle sa ilalim ng bagong liderato

MANILA, Philippines — Muling yumanig ang loob ng Senado matapos ang malawakang reorganisasyon ng mga pangunahing komite kasunod ng pag-upo ni Senate President Alan Peter Cayetano. Ang hakbang na ito ay agad na nagbago sa umiiral na balanse ng kapangyarihan sa mataas na kapulungan.

Sa sesyon nitong Lunes, sunod-sunod na inanunsyo ang bagong mga chairperson ng ilan sa mahahalagang komite ng Senado, mga komiteng humahawak sa pambansang badyet, edukasyon, kalusugan, enerhiya, depensa, at impormasyon. Ang pagbabagong ito ay itinuring ng ilan bilang muling paghubog ng direksiyon ng lehislatura sa mga susunod na buwan.

Agaw-pansin sa mga pagbabagong ito ang pag-upo ni Senator Mark Villar bilang bagong Chairperson ng Committee on Finance, kapalit ni Sherwin Gatchalian. Ang komiteng ito ang itinuturing na pinakamabigat sa Senado dahil sa impluwensiya nito sa pambansang badyet, gastusin ng gobyerno, at mga programang pinopondohan ng estado.

Ang mosyon ay inihain ni acting Majority Leader Senator Joel Villanueva at mabilis na inaprubahan sa plenaryo nang walang pagtutol. Para sa ilan, ipinakita nito ang pagkakaisa sa loob ng liderato, ngunit nagbukas din ng tanong kung gaano kalawak ang naging konsultasyon sa likod ng mga pagbabago.

Kasabay nito, inilatag ang bagong distribusyon ng ilang komite:

- Committee on Finance — Mark Villar

- Ways and Means — Pia Cayetano

- Energy — Pia Cayetano

- Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking — Pia Cayetano

- Culture and the Arts — Loren Legarda

- Basic Education — Loren Legarda

- Health and Demography — Bong Go

- Sports — Bong Go

- National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation — Jinggoy Estrada

- Games and Amusements — Jinggoy Estrada

- Public Information and Mass Media — Robin Padilla

- Cultural Communities and Muslim Affairs — Robin Padilla

- Higher, Technical and Vocational Education — Joel Villanueva

- Public Services — Rodante Marcoleta

Sa kabila ng pormal na anunsyo, nagkaroon ng tensyon matapos mawala si Senator Bam Aquino bilang Chairperson ng Committee on Basic Education. Matagal nang iniuugnay ang kanyang pamumuno sa mga adbokasiya sa edukasyon, scholarship, at youth development programs.

Dito lumitaw ang matinding reaksyon mula sa publiko. Sa social media, mabilis na umani ng komento ang reshuffle. May mga nagsabing bahagi ito ng normal na pag-ikot ng liderato, ngunit mas marami ang nagpahayag ng pagkadismaya at pagkalito. 

May mga grupo rin na nagpahayag ng pangamba sa magiging direksiyon ng ilang komiteng sensitibo tulad ng edukasyon, kalusugan, at public information. Samantala, may iba namang naninindigan na dapat munang bigyan ng pagkakataon ang bagong liderato na magpakita ng resulta bago husgahan.

Samantala, lumawak ang Minority bloc matapos sumama rito sina Senator Juan Miguel Zubiri at Senator Joseph Victor Gomez Ejercito, kaya naging 11 ang miyembro nito laban sa 13 ng Majority. Gayunman, nananatiling walang pormal na bagong Majority Leader matapos tumanggi si Ejercito sa naturang posisyon, na nag-iwan ng bakanteng liderato sa loob ng kapulungan.

Nananatiling buo ang Senado sa estruktura nito, ngunit malinaw na gumagalaw ang sentro ng impluwensiya. Sa gitna ng mga bagong pangalan at posisyon, patuloy na nagtatanong ang publiko kung ang pagbabagong ito ay magdadala ng mas malinaw na direksiyon o mas matinding tanong tungkol sa kredibilidad ng kapangyarihan sa loob ng kapulungan.

J

Written by Jan Gabrielle Visda

Jan Gabrielle Visda is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

23 hours ago 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

23 hours ago 2 min read
JJohn Andrei Domingo

OVP: VP Duterte Addresses Key issues during a visit to The Hague

On July 27, 2026, after the visit of Vice President Sara Z. Duterte to her father, Former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), in The Hague, Netherlands, addressed certain issues raised during a post-visit interview by bystanders. She assured the public that the former president is in good condition and stated that she keeps him updated on the state of politics in the Philippines.

3 days ago 2 min read
Explore all News articles