DepEd, nagpatupad ng bagong guidelines sa bagong T.P.

Naglabas ng bagong guidelines ang Department of Education (DepEd) ngayong taong panuruan 2026-2027 tungkol sa ‘class suspensions’ kung saan matutulungan nito ang mga pinuno ng paaralan na matukoy ang mga suspensyon ng klase at piliin ang naaangkop na mga paraan ng pagkatuto bago, habang, at pagkatapos ng mga emergency.

I

Isaiah Adorza

Author

2 min readJune 10, 2026
DepEd, nagpatupad ng bagong guidelines sa bagong T.P.

Naglabas ng bagong guidelines ang Department of Education (DepEd) ngayong taong panuruan 2026-2027 tungkol sa ‘class suspensions’ kung saan matutulungan nito ang mga pinuno ng paaralan na matukoy ang mga suspensyon ng klase at piliin ang naaangkop na mga paraan ng pagkatuto bago, habang, at pagkatapos ng mga emergency.

Sa ilalim ng DepEd Order No. 14 series of 2026, inaabisuhan ang mga pinuno ng paaralan na makipag-ugnayan sa Schools Division Superintendent at Local Government Units (LGUs) upang maipatupad ang nararapat na suspensyon ng mga klase batay sa aktwal na sitwasyon ng komunidad.

Ayon sa DepEd, layunin nito na gumawa ng mas malinaw na balangkas sa paggawa ng mabilis at matalinong mga desisyon.

“Kapag may kalamidad o krisis, unang tanong dapat natin: ligtas ba ang mga bata at guro, at kaya na ba nilang matuto at magturo? Hindi pwedeng pareho ang hinihingi natin sa kanila kapag normal ang sitwasyon at kapag may pinagdadaanan silang panganib, takot, o pagkawala,” ani DepEd Secretary Sonny Angara.

Ang bagong guidelines na ito ay tutulungan ng isang ‘standardized recovery kit’ o ang tinatawag na “EduKahon” para sa pag-aaral tuwing may kalamidad.

“Ang mga specialized kit na ito ay paunang ipinamamahagi sa mga paaralan at naglalaman ng mga pangunahing kagamitan sa pagtuturo at pag-aaral, upang masigurong tuloy ang edukasyon kahit pa hindi magamit o nasira ang mga silid-aralan,” pahayag ng DepEd.

Isasailalim din ang mga guro sa capacity building ng “trauma-informed teaching, psychological first aid, and learning delivery” sa iba't ibang antas ng emergency sa ilalim ng bagong patakaran.

Ang bagong guidelines ng DepEd ay ipatutupad sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementary at secondary. Kasama rin ang mga Community Learning Center (CLC) na pinapatakbo ng DepEd at ang Alternative Learning System (ALS) sa buong bansa.

Samantala, sinabi ng DepEd na ang mga pribadong paaralan, mga pribadong ALS provider, at Basic Education ng State at Local Universities and Colleges (SUCs, LUCs) ay maaari ring gamitin ang mga alituntunin.

I

Written by Isaiah Adorza

Isaiah Adorza is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

23 hours ago 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

23 hours ago 2 min read
JJohn Andrei Domingo

OVP: VP Duterte Addresses Key issues during a visit to The Hague

On July 27, 2026, after the visit of Vice President Sara Z. Duterte to her father, Former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), in The Hague, Netherlands, addressed certain issues raised during a post-visit interview by bystanders. She assured the public that the former president is in good condition and stated that she keeps him updated on the state of politics in the Philippines.

3 days ago 2 min read
Explore all News articles