El Niño, posibleng magtagal hanggang unang bahagi ng 2027

Ayon sa ulat ng Department of Science and Technology–Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), kasalukuyan nang nararanasan ang El Niño sa Tropical Pacific.

D

Daryl

Author

2 min readJune 10, 2026
El Niño, posibleng magtagal hanggang unang bahagi ng 2027

Ayon sa ulat ng Department of Science and Technology–Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), kasalukuyan nang nararanasan ang El Niño sa Tropical Pacific.

Noong Mayo, naitala ang relative sea surface temperature anomaly (rSSTA) na umabot sa +0.5°C threshold. Dagdag pa ng ahensya, ipinapakita ng karamihan sa mga climate model na may 80 porsiyentong posibilidad na tuluyang mabuo ang isang ganap na El Niño event, na maaaring magpatuloy hanggang sa unang bahagi ng 2027.

Ang El Niño ay ang warm phase ng El Niño-Southern Oscillation (ENSO). Ito ay nailalarawan ng mas mataas kaysa karaniwang sea surface temperatures (SSTs) sa gitna at silangang bahagi ng equatorial Pacific Ocean, at karaniwang mas mababa kaysa normal na SSTs sa Philippine Sea.

Karaniwang nagdudulot ang El Niño ng mas mataas na posibilidad ng below-normal rainfall conditions sa iba't ibang bahagi ng bansa, na maaaring magpataas ng panganib ng dry spells at tagtuyot, partikular sa mga lugar na maaaring maapektuhan.

Samantala, maaari namang makaranas ng above-normal rainfall conditions ang kanlurang bahagi ng bansa sa panahon ng southwest monsoon o habagat, lalo na kung sasabayan o palalakasin ito ng tropical cyclone.

Ipagpapatuloy ng DOST-PAGASA ang pagmomonitor sa El Niño at sa lagay ng klima sa bansa. 

Gayunpaman, hinihikayat nito ang mga ahensya ng pamahalaan at ang publiko na maging handa sa mga posibleng epekto nito, lalo na sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha tuwing panahon ng habagat, gayundin sa mga lugar na maaaring makaranas ng below-normal rainfall conditions.

D

Written by Daryl

Daryl is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

AAshraf Indanan

PNP arrests ex-official Rafael Dumlao for Ick-joo homicide case

​A team from the Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (PNP CIDG-NCR) has arrested dismissed Police Lieutenant Colonel Rafael Dumlao, the convicted mastermind behind the 2016 kidnapping and killing of South Korean businessman Jee Ick-joo.

6 hours ago 2 min read
PPaolo M. Baya-on

Habagat, hihina; maaliwalas na weekend, aasahan

Magdadala pa rin ng pag-ulan ang habagat sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon ngayong Huwebes, Hunyo 11, 2026, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

1 day ago 1 min read
VVjey Fabros

‘Simple, hindi magarbo’ – PBBM sa ikalimang SONA

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan ng Malacañang Palace at House of Representatives ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27, 2026, na nais umano niyang gawing simple ngunit marangal.

1 day ago 1 min read
Explore all News articles