Inflation nitong Mayo, posibleng pumalo sa pinakamataas na antas sa loob ng halos apat na taon

MAYNILA, Pilipinas—Inaasahang muling bibilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa nitong Mayo 2026, ayon sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

J

Jan Gabrielle Visda

Author

1 min readJune 2, 2026
 Inflation nitong Mayo, posibleng pumalo sa pinakamataas na antas sa loob ng halos apat na taon

MAYNILA, Pilipinas—Inaasahang muling bibilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa nitong Mayo 2026, ayon sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa forecast ng BSP, posibleng lumampas sa 7.2% na naitala noong Abril ang inflation rate sa Mayo. Kapag nagpatuloy ang ganitong galaw, maaari itong maging pinakamabilis na pagtaas ng presyo mula Nobyembre 2022, kung kailan naitala ang 8% inflation. 

Ayon sa BSP, kabilang sa mga pangunahing salik na nagtutulak sa pagtaas ng inflation ang pagmahal ng presyo ng bigas, gulay, at karne. Nakaambag din umano ang paghina ng halaga ng piso laban sa dolyar, na may epekto sa halaga ng mga inaangkat na produkto.

Sa kabila nito, may ilang salik na nakatulong upang bahagyang mapigil ang mas mabilis na pagtaas ng presyo. Kabilang dito ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, pagbaba ng presyo ng isda sa ilang lugar, at bahagyang pagbaba ng singil sa kuryente.

Mahalagang bantayan ang galaw ng inflation dahil direktang naaapektuhan nito ang presyo ng mga pangunahing bilihin at ang pang-araw-araw na gastusin ng mga pamilyang Pilipino.

Inaasahang ilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Hunyo 5 ang opisyal na datos ng inflation para sa buwan ng Mayo.

J

Written by Jan Gabrielle Visda

Jan Gabrielle Visda is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

AAshraf Indanan

PNP arrests ex-official Rafael Dumlao for Ick-joo homicide case

​A team from the Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (PNP CIDG-NCR) has arrested dismissed Police Lieutenant Colonel Rafael Dumlao, the convicted mastermind behind the 2016 kidnapping and killing of South Korean businessman Jee Ick-joo.

6 hours ago 2 min read
PPaolo M. Baya-on

Habagat, hihina; maaliwalas na weekend, aasahan

Magdadala pa rin ng pag-ulan ang habagat sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon ngayong Huwebes, Hunyo 11, 2026, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

1 day ago 1 min read
VVjey Fabros

‘Simple, hindi magarbo’ – PBBM sa ikalimang SONA

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan ng Malacañang Palace at House of Representatives ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27, 2026, na nais umano niyang gawing simple ngunit marangal.

1 day ago 1 min read
Explore all News articles