Nancy Dela Rosa, umapela sa Korte Suprema na pigilan ang pag-aresto kay Sen. Bato

Umapela si Nancy Dela Rosa, asawa ni Senador Ronald "Bato" Dela Rosa, sa Korte Suprema na pigilan ang pag-aresto at posibleng pagpapa-turnover sa kaniyang asawa sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, noong Lunes, Mayo 25, 2026.

H

Hannah Llano

Author

2 min readMay 28, 2026
Nancy Dela Rosa, umapela sa Korte Suprema na pigilan ang pag-aresto kay Sen. Bato

Umapela si Nancy Dela Rosa, asawa ni Senador Ronald "Bato" Dela Rosa, sa Korte Suprema na pigilan ang pag-aresto at posibleng pagpapa-turnover sa kaniyang asawa sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, noong Lunes, Mayo 25, 2026.

Sa kaniyang pahayag online, kasunod ng pagtanggi ng Korte Suprema sa hiling na Temporary Restraining Order (TRO) ni Dela Rosa, iginiit ni Nancy na ang pagpayag umano sa paglipat ng isang Pilipino sa isang international tribunal ay magpapakita ng kahinaan ng sistemang pangkatarungan ng bansa.

"Ang pag-turn over sa isang Pilipino sa isang international tribunal ay para na ring pag-amin na mahina at hindi kayang panindigan ng ating sariling justice system ang sarili nitong hurisdiksyon," bahagi ng kaniyang pahayag.

Binigyang-diin din niya ang agarang pag-aksyon ng Korte Suprema at sinabing bawat pag-antala ay naglalapit umano sa panganib ng kaniyang asawa.

“Every moment you remain undecided is an opportunity for them to close in on Bato,” aniya.

Giit din ni Nancy na ang kaso ay nahahaluan umano ng pulitika, at hindi dapat gamiting batayan ng pampublikong kontrobersiya, kasabay ng pagbanggit sa mga nakaraang halimbawa ng pamahalaan sa pagprotekta sa mga Pilipino bilang batayan ng kaniyang apela.

Matatandaang ibinasura ng Korte Suprema, sa botong 9-5-1, ang hiling ni Senator Bato para sa TRO na magpipigil sana sa pagpapatupad ng arrest warrant ng ICC. Kasunod nito, inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang warrant at tugisin ang senador, habang patuloy itong itinuturing na pugante sa ilalim ng direktiba ng pamahalaan.

Ang ICC warrant ay na-unseal noong Mayo 11, 2026, kaugnay ng umanoy papel ni Dela Rosa bilang dating hepe ng PNP sa kampanyang war on drugs sa ilalim ng administrasyong Duterte, kung saan siya ay iniuugnay bilang “indirect co-perpetrator” sa kasong crimes against humanity.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring kumpirmadong impormasyon sa kinaroroonan ng senador matapos ang ulat na siya ay nagtago kasunod ng paglabas ng warrant. Patuloy namang hinihintay ang pinal na desisyon ng Korte Suprema hinggil sa isyu ng hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas. 

H

Written by Hannah Llano

Hannah Llano is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

23 hours ago 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

23 hours ago 2 min read
JJohn Andrei Domingo

OVP: VP Duterte Addresses Key issues during a visit to The Hague

On July 27, 2026, after the visit of Vice President Sara Z. Duterte to her father, Former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), in The Hague, Netherlands, addressed certain issues raised during a post-visit interview by bystanders. She assured the public that the former president is in good condition and stated that she keeps him updated on the state of politics in the Philippines.

3 days ago 2 min read
Explore all News articles