NBI Chief Matibag, binuweltahan si Cayetano sa alegasyong ‘panggigiba’ umano sa Senado

Sa panayam ng ABS-CBN News, pinabulaanan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag ang alegasyong tinangka umano ng ahensya na “gibain” ang Senado matapos ang tensyon at kaguluhang naganap noong Miyerkules, Mayo 13, sa GSIS Complex.

H

Hannah Llano

Author

3 min readMay 21, 2026
NBI Chief Matibag, binuweltahan si Cayetano sa alegasyong ‘panggigiba’ umano sa Senado

Sa panayam ng ABS-CBN News, pinabulaanan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag ang alegasyong tinangka umano ng ahensya na “gibain” ang Senado matapos ang tensyon at kaguluhang naganap noong Miyerkules, Mayo 13, sa GSIS Complex.

Ayon kay Matibag, layunin lamang ng NBI ang pagpapatupad ng batas at hindi ang paglapastangan sa Senado bilang institusyon.

“Bakit? Gusto ba namin tibagin ‘yung Senado? Gusto lang namin ipatupad ‘yung batas,” ani Matibag.

Giit pa niya, kinikilala at iginagalang ng kanilang ahensya ang Senado at judicial system ng bansa.

“It's not about Senator Alan Peter Cayetano, it's about the Senate and the judicial system… that's an institution enshrined in the Constitution. We respect it,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Matibag na handang makipagtulungan ang NBI sa imbestigasyong isinasagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay sa insidente.

“We participated in the ongoing investigation of CIDG so lahat ng tao na nagpunta doon sa GSIS at saka kung ano mga tanong nila, sasagutin ng NBI. We are very transparent on this one,” saad niya.

Dagdag pa niya, may binuo nang panel ang Department of Justice (DOJ) at tanggapan ni Jesus Crispin 'Boying' Remulla upang masusing imbestigahan ang insidente.

“There is already a panel created by the DOJ and by Ombudsman Boying Remulla. So, we will submit everything to them and sila na ‘yung magpo-process,” dagdag ni Matibag.

Matatandaang nagtungo ang NBI sa Senado noong Lunes, Mayo 11 upang i-serve ang warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng kaniyang kaso sa ICC, na kalaunan ay inilagay sa protective custody ng Senado at nagdulot ng tensyon sa pagitan ng mga awtoridad at Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA). Muling nagkaroon ng iringan noong Mayo 13 nang mag-deploy ng mga tauhan ang NBI sa GSIS compound upang tiyakin ang seguridad sa lugar, na nauwi sa insidente ng putukan.
Nang hingan naman ng mensahe para kay Cayetano, maikli ang naging tugon ng NBI chief.

“Good luck to him. He does it day by day. So tomorrow is another day for him.”

Samantala, hinikayat din ni Matibag si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na harapin ang kanyang kaso at sumunod sa legal na proseso kaugnay ng warrant laban sa kanya ng ICC.

“It's better na harapin niya yung warrant niya, mag-submit siya. Harapin niya ‘yung kanyang pananagutan sa batas,” ani Matibag.

Dagdag pa niya, nananatiling aktibo ang warrant ng ICC laban kay Dela Rosa habang patuloy ang koordinasyon ng mga law enforcement agency kaugnay nito.

H

Written by Hannah Llano

Hannah Llano is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

23 hours ago 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

23 hours ago 2 min read
JJohn Andrei Domingo

OVP: VP Duterte Addresses Key issues during a visit to The Hague

On July 27, 2026, after the visit of Vice President Sara Z. Duterte to her father, Former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), in The Hague, Netherlands, addressed certain issues raised during a post-visit interview by bystanders. She assured the public that the former president is in good condition and stated that she keeps him updated on the state of politics in the Philippines.

3 days ago 2 min read
Explore all News articles