OVP, nagpadala ng food truck sa Calumpang, General Santos City

Nagpadala ang Office of the Vice President (OVP) ng Kalusugan Food Truck (KFT) upang maghatid ng pagkain sa mga frontliners at responders na patuloy na nagsasagawa ng rescue at search operations matapos ang 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Southern Mindanao.

D

Daryl

Author

1 min readJune 10, 2026
OVP, nagpadala ng food truck sa Calumpang, General Santos City

Nagpadala ang Office of the Vice President (OVP) ng Kalusugan Food Truck (KFT) upang maghatid ng pagkain sa mga frontliners at responders na patuloy na nagsasagawa ng rescue at search operations matapos ang 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Southern Mindanao.

Ipinuwesto ang food truck sa Barangay Calumpang, General Santos City sa South Cotabato. 

Isa ito sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Ayon sa OVP Southern Mindanao Satellite Office, tinatayang 250 frontliners at responders ang nakinabang sa serbisyo ng KFT. 

Patuloy nilang ginagawa ang operasyon sa gitna ng patuloy na pagtulong sa mga apektadong residente.

Sinabi rin ng OVP na patuloy nitong mino-monitor ang sitwasyon sa mga apektadong lugar. 

Nakahanda rin itong maghatid ng karagdagang tulong sa mga komunidad na nangangailangan.

D

Written by Daryl

Daryl is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

MMelrose Kyrene Aquino

Pujalte out as health chief after 28 days; Mercado takes over

Health Secretary Jose Brittanio “Brix” Pujalte Jr. resigned Monday after only 28 days in office, with Malacañang citing health reasons amid complaints over a P3.225-billion tuberculosis drug procurement and allegations of casino gambling.

2 months ago• 1 min read
PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

2 months ago• 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

2 months ago• 2 min read
Explore all News articles