PAGWAWAKAS MNL48, magtatapos ang mga aktibidad sa katapusan ng Mayo 2026

Inanunsyo ng P-pop girl group na MNL48 na tuluyan nang magtatapos ang kanilang mga aktibidad sa huling bahagi ng Mayo 2026, ayon sa opisyal na pahayag ng kanilang management company na P.O.S Inc. nitong Miyerkules. 

Isaiah Adorza

Author

2 min readMay 23, 2026
PAGWAWAKAS MNL48, magtatapos ang mga aktibidad sa katapusan ng Mayo 2026

Inanunsyo ng P-pop girl group na MNL48 na tuluyan nang magtatapos ang kanilang mga aktibidad sa huling bahagi ng Mayo 2026, ayon sa opisyal na pahayag ng kanilang management company na P.O.S Inc. nitong Miyerkules. 

Sa inilabas na statement sa official Facebook page ng grupo, ipinaliwanag ng kumpanya na nabuo ang kanilang desisyon matapos ang malalim na pag-uusap kasama ang grupo. 

"After carefully considering the sustainability of the management structure, the future operating environment, and the various conditions necessary to continue supporting the group in a stable manner, we have come to the conclusion that it would be difficult to continue MNL48's activities going forward," ani P.O.S. Inc. 

Humingi rin ng paumanhin ang P.O.S. Inc. sa mga fans ng grupo kaugnay sa biglaang pag-anunsyo ng kanilang pagtatapos.

Nagpasalamat din sila sa walang sawang suporta ng mga tagahanga sa pananatili nila kasama ang grupo sa entertainment industry.

Kilala ang MNL48 sa pag-awit ng Filipino-language versions ng ilan sa mga kanta ng AKB48, isang Japanese girl group at sister group ng MNL48. 

Nabuo ang grupo sa pamamagitan ng audition segment sa noontime show na It’s Showtime.

Sa nagdaang taon, isa ang MNL48 sa mga grupong tumulong sa pag-usbong ng P-pop sa bansa at nagpakilala ng idol-group system sa Pilipinas.

Habang papalapit ang pagtatapos ng kanilang mga aktibidad, patuloy na ipinapahayag ng fans ang kanilang pasasalamat sa mga alaala, performance, at impluwensyang iniwan ng grupo sa entertainment industry ng Pilipinas. 

Bilang pasasalamat sa kanilang supporters, inilabas ng MNL48 ang 2026 version ng music video ng kanilang viral hit na “Pag-ibig Fortune Cookie.”

Ayon sa management, ang proyekto ay alay para sa mga fans at nagsisilbing pasasalamat ng mga miyembro.

"This work contains our gratitude toward all the fans who have supported us, as well as the heartfelt feelings of the members themselves," dagdag ng kumpanya. 


Written by Isaiah Adorza

Isaiah Adorza is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

23 hours ago 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

23 hours ago 2 min read
JJohn Andrei Domingo

OVP: VP Duterte Addresses Key issues during a visit to The Hague

On July 27, 2026, after the visit of Vice President Sara Z. Duterte to her father, Former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), in The Hague, Netherlands, addressed certain issues raised during a post-visit interview by bystanders. She assured the public that the former president is in good condition and stated that she keeps him updated on the state of politics in the Philippines.

3 days ago 2 min read
Explore all News articles