Pangilinan, tinugunan ang reklamong ‘pagsigaw’ ni Padilla; ‘Hindi ko ‘yan aatrasan’

“Hindi uubra ang pam-bu-bully at pa siga-siga sa akin.” Iyan ang naging buwelta ni Sen. Kiko Pangilinan hinggil sa reklamo umanong ihahain laban sa kanya ni Sen. Robin Padilla, matapos magkainitan sa sesyon ng plenaryo kahapon, Mayo 12.

S

Seven Muñoz

Author

2 min readMay 13, 2026
Pangilinan, tinugunan ang reklamong ‘pagsigaw’ ni Padilla; ‘Hindi ko ‘yan aatrasan’

“Hindi uubra ang pam-bu-bully at pa siga-siga sa akin.”

Iyan ang naging buwelta ni Sen. Kiko Pangilinan hinggil sa reklamo umanong ihahain laban sa kanya ni Sen. Robin Padilla, matapos magkainitan sa sesyon ng plenaryo kahapon, Mayo 12.

Ayon kay Pangilinan, sa tagal niya sa Senado ay ngayon lamang siya nakaranas ng ethics complaint na nakabatay lamang sa pagtataas ng boses.

“‘Yung pagtataas ng boses sa mainit na debate ay hindi man kagustuhan, hindi [ito] naiiwasan at [talagang] nangyayari sa plenaryo. Kung laban sa ethics yun, marami na sanang mga senador ang sinampahan at pinarusahan,” wika niya.

Matatandaang isang araw pa lamang ang nakalilipas nang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawang senador sa gitna ng talakayan. Matapos ang umano’y pagsabat ni Padilla sa punto ni Pangilinan, mariing iginiit ng huli: “I STILL HAVE THE FLOOR.”

Bunsod nito, nagpahayag ng hinaing si Padilla at kinuwestiyon kung may batas ba na nagpapahintulot sa isang senador na sigawan ang kanyang kapwa mambabatas.

Tinugunan naman ito ni Pangilinan at tiniyak sa publiko na handa siyang maghain ng counter-complaint dahil sa pagbabanta at intimidasyon na ipinamalas ni Padilla. 

Binigyang-diin pa niya na lumabag si Padilla sa parliamentary rules dahil sa kawalan ng maayos na asal at pangha-harass.

Sa huli, nilinaw ni Pangilinan na wala umano siyang kagustuhan na magkaroon ng away o sigalot, ngunit nakahanda kung sakaling kakailanganin.

Wala pa namang naisasampang opisyal na kaso ng ethics complaint hinggil sa naturang alitan ng dalawang senador, sa kasalukuyan.

S

Written by Seven Muñoz

Seven Muñoz is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

23 hours ago 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

23 hours ago 2 min read
JJohn Andrei Domingo

OVP: VP Duterte Addresses Key issues during a visit to The Hague

On July 27, 2026, after the visit of Vice President Sara Z. Duterte to her father, Former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), in The Hague, Netherlands, addressed certain issues raised during a post-visit interview by bystanders. She assured the public that the former president is in good condition and stated that she keeps him updated on the state of politics in the Philippines.

3 days ago 2 min read
Explore all News articles