PCO: $3.4B na pamumuhunan mula Japan, natiyak ng Pilipinas

Nakatiyak ang Pilipinas ng $3.4 bilyon o halos P210 bilyong investment commitments mula sa mga Japanese conglomerate kasabay ng state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Tokyo, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

P

Paolo M. Baya-on

Author

2 min readMay 30, 2026
PCO: $3.4B na pamumuhunan mula Japan, natiyak ng Pilipinas

Nakatiyak ang Pilipinas ng $3.4 bilyon o halos P210 bilyong investment commitments mula sa mga Japanese conglomerate kasabay ng state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Tokyo, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Sa roundtable meeting sa Imperial Hotel noong Miyerkules, Mayo 27, 2026, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na handa ang bansa sa mas maraming pamumuhunan sa high-tech manufacturing at green initiatives. Sa harap ng mga Japanese business leader, binigyang-diin ng ahensya ang kapasidad ng Pilipinas na suportahan ang mga proyektong ito.

Ayon sa DTI, nakaposisyon ang bansa para sa advanced manufacturing at sustainable technologies—mga sektor na may mataas na potensyal magdala ng libo-libong specialized jobs. 

Batay naman sa pahayag ng PCO, inaasahang makatutulong ang $3.4 bilyong commitments sa pagpapalawak ng industrial capacity ng bansa at paglikha ng libo-libong specialized jobs para sa mga Pilipino.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga ang mas malalim na economic integration sa pagitan ng Pilipinas at Japan upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya sa gitna ng pandaigdigang hamon.

“As we mark 70 years of the normalization of our diplomatic relations, we are no longer simply commemorating history. We are entering a new chapter,” ani Marcos sa harap ng mga Japanese executives at financial institutions.

Iginiit din ng Pangulo na isinusulong ng administrasyon ang isang “unified government approach” katuwang ang DTI at Department of Tourism (DOT), kung saan pinagsasama nito ang infrastructure, industry, finance, human capital, at connectivity upang mapalakas at mapatatag ang long-term economic growth at job creation sa bansa.

P

Written by Paolo M. Baya-on

Paolo M. Baya-on is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

AAshraf Indanan

PNP arrests ex-official Rafael Dumlao for Ick-joo homicide case

​A team from the Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (PNP CIDG-NCR) has arrested dismissed Police Lieutenant Colonel Rafael Dumlao, the convicted mastermind behind the 2016 kidnapping and killing of South Korean businessman Jee Ick-joo.

6 hours ago 2 min read
PPaolo M. Baya-on

Habagat, hihina; maaliwalas na weekend, aasahan

Magdadala pa rin ng pag-ulan ang habagat sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon ngayong Huwebes, Hunyo 11, 2026, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

1 day ago 1 min read
VVjey Fabros

‘Simple, hindi magarbo’ – PBBM sa ikalimang SONA

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan ng Malacañang Palace at House of Representatives ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27, 2026, na nais umano niyang gawing simple ngunit marangal.

1 day ago 1 min read
Explore all News articles