Red at Yellow alerts itataas sa Luzon at Visayas grids dahil sa kakulangan sa suplay ng kuryente

MANILA, Philippines — Nakatakdang isailalim sa red at yellow alert status ang Luzon at Visayas power grids ngayong Huwebes ng hapon dahil sa patuloy na pagnipis ng suplay ng kuryente bunsod ng mga hindi gumaganang planta at limitadong operasyon ng ilang pasilidad, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

J

Jan Gabrielle Visda

Author

2 min readMay 18, 2026
Red at Yellow alerts itataas sa Luzon at Visayas grids dahil sa kakulangan sa suplay ng kuryente

MANILA, Philippines — Nakatakdang isailalim sa red at yellow alert status ang Luzon at Visayas power grids ngayong Huwebes ng hapon dahil sa patuloy na pagnipis ng suplay ng kuryente bunsod ng mga hindi gumaganang planta at limitadong operasyon ng ilang pasilidad, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa Luzon grid, ipatutupad ang red alert mula alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi. Ilalagay naman ito sa yellow alert mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon at muling alas-10 hanggang alas-11 ng gabi.

Batay sa datos ng NGCP, 17 power plants ang naka-forced outage simula Marso 2026, tatlo mula 2025, dalawa mula 2024, at isa mula 2019. Bukod dito, 14 pang planta ang tumatakbo sa derated o limitadong kapasidad. Sa kabuuan, nasa 4,242.5 Megawatts (MW) ng kapasidad ang hindi magagamit sa Luzon grid.

Nasa 12,479 MW ang available capacity ng Luzon kumpara sa 12,595 MW na peak demand ngayong araw, na nagpapakita ng manipis na reserba ng suplay sa rehiyon.

Sa Visayas grid naman, red alert ang ipatutupad mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi, habang yellow alert mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon at alas-9 hanggang alas-11 ng gabi.

Ayon sa NGCP, 11 power plants sa Visayas ang naka-forced outage simula Marso 2026, apat mula 2025, dalawa mula 2024, dalawa mula 2023, at isa mula 2021. May 12 pang planta ang tumatakbo sa derated capacity. Sa kabuuan, 866.7 MW ng suplay ang hindi available sa grid.

Nasa 2,413 MW ang available capacity sa Visayas laban sa 2,541 MW na peak demand.

Ipinaliwanag ng NGCP na ipinapatupad ang red alert kapag hindi sapat ang suplay upang matugunan ang demand at reserve requirement ng grid. Samantala, ang yellow alert ay babala na manipis ang operating margin at sensitibo ang sistema sa anumang biglaang aberya sa mga planta o transmission facilities.

J

Written by Jan Gabrielle Visda

Jan Gabrielle Visda is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

23 hours ago 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

23 hours ago 2 min read
JJohn Andrei Domingo

OVP: VP Duterte Addresses Key issues during a visit to The Hague

On July 27, 2026, after the visit of Vice President Sara Z. Duterte to her father, Former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), in The Hague, Netherlands, addressed certain issues raised during a post-visit interview by bystanders. She assured the public that the former president is in good condition and stated that she keeps him updated on the state of politics in the Philippines.

3 days ago 2 min read
Explore all News articles