Rep. Abante, naghain ng cyberlibel cases vs. ex-Marines

BALANGA CITY, Bataan — Nagsampa ng opisyal na kaso si Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. laban sa 18 na ‘former bodyguards’ umano ng dating kinatawan ng Ako Bicol Party-list na si Representative Elizaldy “Zaldy” Co.

S

Seven Muñoz

Author

2 min readJune 10, 2026
Rep. Abante, naghain ng cyberlibel cases vs. ex-Marines

BALANGA CITY, Bataan — Nagsampa ng opisyal na kaso si Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. laban sa 18 na ‘former bodyguards’ umano ng dating kinatawan ng Ako Bicol Party-list na si Representative Elizaldy “Zaldy” Co.

Ayon sa ulat, kabilang si Abante sa mga kongresistang nasangkot sa umano’y pagtanggap ng ‘maleta’ na naglalaman ng mga kinurakot na pondo ng bayan, kaugnay ng mga anomalya sa proyektong kontra-baha.

Mariin namang kinondena ito ni Abante, kung saan niya binigyang kumento ang naturang paratang laban sa kanya na “incorrect, baseless, and misleading.”

Iginiit din ng kongresista na posibleng may kinalaman umano ang naging pahayag laban sa kanya, sa pagsuporta nito sa paglilitis sa kasong ‘impeachment’ ni Vice President Sara Duterte.

Kinuwestiyon ni Abante ang kredibilidad ng alegasyon ng mga ‘ex-Marines,’ kasabay ng paghamon nitong maglabas muna ng ebidensya bago pa man maglabas ng impormasyon.

Mayroon ding iba pang mga kasong nakahain laban sa mga ito na siyang isinampa ng mga kapwa-kongresista ni Abante na naidawit din sa nabanggit na isyu. Kabilang sa mga ito ay sina Representative Julienne Baronda at Rep. Joel Chua.

Bukod pa sa mga nasabing kongresista, nauna na ring nagpahayag si Senador Erwin Tulfo noong Sabado nang pagbabalak na maghain ng kaso laban sa mga alegasyong binitawan sa kanya, kapareho ng kay Abante.

S

Written by Seven Muñoz

Seven Muñoz is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

AAshraf Indanan

PNP arrests ex-official Rafael Dumlao for Ick-joo homicide case

​A team from the Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (PNP CIDG-NCR) has arrested dismissed Police Lieutenant Colonel Rafael Dumlao, the convicted mastermind behind the 2016 kidnapping and killing of South Korean businessman Jee Ick-joo.

6 hours ago 2 min read
PPaolo M. Baya-on

Habagat, hihina; maaliwalas na weekend, aasahan

Magdadala pa rin ng pag-ulan ang habagat sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon ngayong Huwebes, Hunyo 11, 2026, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

1 day ago 1 min read
VVjey Fabros

‘Simple, hindi magarbo’ – PBBM sa ikalimang SONA

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan ng Malacañang Palace at House of Representatives ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27, 2026, na nais umano niyang gawing simple ngunit marangal.

1 day ago 1 min read
Explore all News articles