Senado sumiklab sa tensyon sa pagtalakay sa ICC case; Pangilinan at Padilla nagpalitan ng matitinding pahayag sa isyu ng sigawan at ethics complaint

Uminit ang tensyon sa Senado matapos ang palitan ng pahayag nina Senador Kiko Pangilinan at Senador Robin Padilla sa gitna ng deliberasyon hinggil sa International Criminal Court (ICC) warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. 

J

Jan Gabrielle Visda

Author

3 min readMay 17, 2026
Senado sumiklab sa tensyon sa pagtalakay sa ICC case; Pangilinan at Padilla nagpalitan ng matitinding pahayag sa isyu ng sigawan at ethics complaint

Uminit ang tensyon sa Senado matapos ang palitan ng pahayag nina Senador Kiko Pangilinan at Senador Robin Padilla sa gitna ng deliberasyon hinggil sa International Criminal Court (ICC) warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. 

Nagsimula ang mainit na banggaan nang kuwestiyunin ni Padilla ang umano’y pagtaas ng boses sa kanya sa loob ng plenaryo at igiit na hindi ito dapat manatili sa opisyal na rekord ng Senado. Hiling niya, alisin ang naturang insidente sa journal at isama rin ang pormal na paghingi ng paumanhin mula kay Pangilinan bilang bahagi ng opisyal na tala ng kapulungan.

Bilang tugon, hindi nagpatinag si Pangilinan at iginiit na ang maiinit na debate at maging ang pagtaas ng boses ay hindi na bago sa isang deliberative body tulad ng Senado. Aniya, hindi dapat gawing batayan ng reklamo ang normal na tensyon sa diskusyon ng mahahalagang isyu ng bansa.

“Walang legal na basehan at walang kuwenta ang ethics complaint na ‘yan. Hintayin na lang natin kung itutuloy niya,” mariing pahayag ni Pangilinan.

Mas lalo pang tumindi ang isyu nang bantaang maghahain si Pangilinan ng kontra-reklamo sa Senate Ethics Committee, kung saan iginiit niyang maaaring lumabag si Padilla sa parliamentary rules at proper decorum. Kabilang sa kanyang binanggit ang umano’y pananakot, paninindak, at mga pahayag na ayon sa kanya ay hindi naaayon sa asal ng isang mambabatas sa loob ng plenaryo.

"Hindi uubra ang pambubully at pa siga-siga sa akin. Mas may basehang kasuhan 'yang pasiga-siga, pambabastos at ang kawalan ng proper decorum sa kapwa senador sa Senado. Lahat on record," dagdag pa niya.

Sa kabilang panig, nanindigan si Padilla na hindi niya matatanggap na maitala sa kasaysayan ng Senado ang isang insidenteng ayon sa kanya ay paglabag sa respeto sa kapwa mambabatas. Giit niya, hindi katanggap-tanggap na siya ay sinigawan habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, at dapat itong maitama sa pamamagitan ng opisyal na pagwawasto sa rekord ng Senado.

Kinuwestiyon din niya ang umiiral na parliamentary rules, partikular kung pinapayagan ba ang pagsigaw sa kapwa senador sa loob ng session hall, at iginiit na dapat may hangganan ang asal sa loob ng mataas na kapulungan.

Sa gitna ng umiinit na palitan, nanindigan si Pangilinan na hindi siya uurong sa anumang reklamong isasampa laban sa kanya at handa niyang harapin ito sa tamang proseso ng Ethics Committee, habang iginiit na mas mahahalagang usapin ang dapat pagtuunan ng Senado kaysa sa personal na banggaan sa plenaryo.

Naganap ang insidente sa gitna ng maselang deliberasyon ng Senado sa ICC warrant laban kay Dela Rosa, na lalo pang nagbukas ng mas malalim na pagkakahati sa interpretasyon ng parliamentary conduct at respeto sa loob ng kapulungan.

J

Written by Jan Gabrielle Visda

Jan Gabrielle Visda is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

AAshraf Indanan

PNP arrests ex-official Rafael Dumlao for Ick-joo homicide case

​A team from the Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (PNP CIDG-NCR) has arrested dismissed Police Lieutenant Colonel Rafael Dumlao, the convicted mastermind behind the 2016 kidnapping and killing of South Korean businessman Jee Ick-joo.

6 hours ago 2 min read
PPaolo M. Baya-on

Habagat, hihina; maaliwalas na weekend, aasahan

Magdadala pa rin ng pag-ulan ang habagat sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon ngayong Huwebes, Hunyo 11, 2026, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

1 day ago 1 min read
VVjey Fabros

‘Simple, hindi magarbo’ – PBBM sa ikalimang SONA

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan ng Malacañang Palace at House of Representatives ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27, 2026, na nais umano niyang gawing simple ngunit marangal.

1 day ago 1 min read
Explore all News articles