Visayas grid, muling isinailalim sa yellow alert bunsod ng plant outages at mataas na demand sa kuryente

Muling inilagay sa yellow alert ang Visayas Grid nitong Martes, Mayo 13, ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) bunsod sa kakulangan ng reserbang kuryente bunsod ng mataas na demand sa kuryente at sunod-sunod na pagpalya ng ilang power plant sa rehiyon. 

A

Anthony Fernandez

Author

2 min readMay 13, 2026
Visayas grid, muling isinailalim sa yellow alert bunsod ng plant outages at mataas na demand sa kuryente

Muling inilagay sa yellow alert ang Visayas Grid nitong Martes, Mayo 13, ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) bunsod sa kakulangan ng reserbang kuryente bunsod ng mataas na demand sa kuryente at sunod-sunod na pagpalya ng ilang power plant sa rehiyon. 

‎Ipinatupad ang yellow alert mula 5:00 n.h. hanggang 9:00 n.g. matapos maitala ang available capacity na 2,580 megawatts (MW) laban sa peak demand na 2,423MW bandang 8:30 n.u.

‎Ayon sa NGCP, kabilang sa mga nakaapekto sa manipis na power reserve ang forced outage ng TVI Unit 1 (169MW), TVI Unit 2 (169MW), at PEDC Unit 3 (150MW), kasabay ng mataas na demanda ng kuryente sa Visayas.

‎Inulat din ng NGCP na 11 pang power plant ang nananatiling naka-forced outage mula Marso 2026, apat mula 2025, dalawa mula 2024, dalawa mula 2023, at isang planta ang offline pa mula 2021.

‎Samantala, 12 iba pang planta ang tumatakbo sa derated capacities, dahilan upang umabot sa kabuuang 857.2MW ang hindi maipadalang suplay sa grid.

‎Ang alerto ay inilabas isang araw matapos ding ilagay sa yellow alert ang grid bago kalaunang alisin sa parehong araw matapos pansamantalang bumuti ang kondisyon ng suplay.

‎Ipinapataw ang yellow alert kapag ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid, indikasyon ng manipis na reserba ng kuryente ngunit hindi agad nangangahulugan ng rotational brownout. 

A

Written by Anthony Fernandez

Anthony Fernandez is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

MMelrose Kyrene Aquino

Pujalte out as health chief after 28 days; Mercado takes over

Health Secretary Jose Brittanio “Brix” Pujalte Jr. resigned Monday after only 28 days in office, with Malacañang citing health reasons amid complaints over a P3.225-billion tuberculosis drug procurement and allegations of casino gambling.

2 months ago• 1 min read
PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

2 months ago• 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

2 months ago• 2 min read
Explore all News articles