‘Wala akong kaaway sa Senado’ – Sen. Robin

Nilinaw ni Senador Robinhood “Robin” Padilla nitong Sabado, Hunyo 6, na wala siyang kaaway sa Senado kabila ng umiiral na isyu hinggil sa pagpapalit ng liderato sa kapulungan.

J

Jasmine Parohinog

Author

1 min readJune 9, 2026
‘Wala akong kaaway sa Senado’ –  Sen. Robin

Nilinaw ni Senador Robinhood “Robin” Padilla nitong Sabado, Hunyo 6, na wala siyang kaaway sa Senado kabila ng umiiral na isyu hinggil sa pagpapalit ng liderato sa kapulungan.

Sa isang opisyal na pahayag na ibinahagi ng mambabatas sa kanyang Facebook post, binigyang-diin ng senador na kadugtong ng kanyang pananampalataya ang unang pagbati sa lahat ng kanyang mga kasama sa plenaryo, maging sila man ay kabilang sa kontra partido.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang pagpapanatili ng kapayapaan at magandang pakikitungo sa bawat kasamahan sa trabaho ay isang mahalagang bahagi ng kanyang paniniwala, anuman ang panig o partidong kinabibilangan ng mga ito sa pulitika.

Iginiit din ni Padilla na hindi siya isang huwes para makipagtalastasan ng desisyon sa usapin kung sino ang tama at mali.

Tahasang isinaad ng mambabatas na hindi siya naghahanap ng gulo at layon lamang nitong magpakita ng respeto sa kanyang mga kasamahan sa mataas na kapulungan ng Kongreso habang kinahaharap ang isyu ng balasahan sa pamunuan.


J

Written by Jasmine Parohinog

Jasmine Parohinog is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

MMelrose Kyrene Aquino

Pujalte out as health chief after 28 days; Mercado takes over

Health Secretary Jose Brittanio “Brix” Pujalte Jr. resigned Monday after only 28 days in office, with Malacañang citing health reasons amid complaints over a P3.225-billion tuberculosis drug procurement and allegations of casino gambling.

2 months ago• 1 min read
PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

2 months ago• 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

2 months ago• 2 min read
Explore all News articles