Writ of summons, Articles of Impeachment, natanggap na ng OVP

Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na natanggap na nila ang writ of summons at Articles of Impeachment noong umaga ng Miyerkules, Mayo 20, bilang tugon sa dokumentong inilabas ng impeachment court matapos aprubahan ng Senado ang mosyon para pag-utusan si Duterte na sagutin ang mga alegasyon. Batay sa mga patakarang pinagtibay ng Impeachment Court, may 10 kalendaryong araw si Duterte mula sa pagtanggap ng summons upang magsumite ng kanyang tugon, kung hindi ay magpapatuloy ang paglilitis.

P

Paolo Baya-on

Author

1 min readMay 22, 2026
Writ of summons, Articles of Impeachment, natanggap na ng OVP

Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na natanggap na nila ang writ of summons at Articles of Impeachment noong umaga ng Miyerkules, Mayo 20, bilang tugon sa dokumentong inilabas ng impeachment court matapos aprubahan ng Senado ang mosyon para pag-utusan si Duterte na sagutin ang mga alegasyon.

Batay sa mga patakarang pinagtibay ng Impeachment Court, may 10 kalendaryong araw si Duterte mula sa pagtanggap ng summons upang magsumite ng kanyang tugon, kung hindi ay magpapatuloy ang paglilitis.

Umaasa naman si House Impeachment Prosecutor Representative Terry Ridon na direktang sasagutin ng bise presidente ang mga paratang na nakasaad sa Articles of Impeachment.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Duterte, sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Michael Poa, na maghahain sila ng kaukulang tugon sa summons na inilabas ng Impeachment Court.

Kabilang sa mga reklamong kinahaharap ng bise ang mga alegasyon ng betrayal of public trust, graft and corruption, culpable violation of the Constitution, at iba pang matataas na krimen.

Kapag nakapagsumite na si Duterte ng kanyang sagot, magkakaroon naman ng limang araw ang House prosecution panel upang maghain ng kanilang tugon.

P

Written by Paolo Baya-on

Paolo Baya-on is a dedicated campus journalist and contributor. Their insightful writing sparks meaningful conversations and keeps the community informed.

PPaolo M. Baya-on

KWF: Hindi banta ang AI sa wikang Filipino

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), hindi banta kundi katuwang ang Artificial Intelligence (AI) sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

23 hours ago 1 min read
PPaolo M. Baya-on

Kaso laban Google, isinampa ng mga publisher

Isang grupo ng mga publisher at may-akda ang nagsampa ng kaso laban sa Google matapos umanong gamitin ng kompanya ang milyun-milyong akdang may copyright sa pagsasanay ng Artificial Intelligence (AI) model nitong “Gemini” nang walang pahintulot.

23 hours ago 2 min read
JJohn Andrei Domingo

OVP: VP Duterte Addresses Key issues during a visit to The Hague

On July 27, 2026, after the visit of Vice President Sara Z. Duterte to her father, Former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), in The Hague, Netherlands, addressed certain issues raised during a post-visit interview by bystanders. She assured the public that the former president is in good condition and stated that she keeps him updated on the state of politics in the Philippines.

3 days ago 2 min read
Explore all News articles